Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De los Santos sa ika-5 ginto

0 54

Tuloy ang paghakot ng medalyang ginto ni Orencio James Virgil De Los Santos nang masambot ang panlima sa taong ito.

Umeskapo Biyernes ang 31-year-old, 5-foot-4 Manila-based Cebuano at reigning world no. 1 e-Kata karateka kontra kay American Alfredo Bustamante, 24.9-24.6, upang maibagahe ang tagumpay sa Budva Winner-Aria Cup #1 eTournament.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naka-medal din ang mga estudyante ni De Los Santos sa nabanggit na karatefest na sina Fatima A-Isha Lim Hamsain at Christina Karen Colonia.

Sinungkit ni Hamsain ang gold sa e-Kata Individual Female U16 event habang nag-silver si Colonia sa e-Kata Individual Female U18. (JAToralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.