Abante Tonite
Mabilis sa Balita

De Ocampo bantay nina Castro, Rosario, Erram

0 126

Ngayong bahagi na ng coaching staff ng TNT si six-time PBA champion Ranidel de Ocampo, isa sa tungkulin niya ang tutukan sina stalwarts Jayson Castro, Jeth Troy Rosario at John Paul ‘Poy’ Erram.

Nitong Abril nang inanunsyo ni De Ocampo ang pagreretiro sa liga matapos ang 15-year playing career.

“Ang role ko talaga na binigay sa ni coach (Bong Ravena Jr.), siguraduhin ko lang na laging on top of their game sina Jayson, Troy at Poy,” kwento ni De Ocampo Miyerkoles sa “Sports Page.”

Related Posts

“So silang tatlo kailangan every game, ‘yung mood nila laging maganda at ang mga ilalaro nila. Tapos bukod doon,’ yung turo rin sa ibang mga player,” dagdag pa ng former two-time Finals MVP.

Malinis pa ang baraha ng Tropang Giga sa 2020 Philippine Cup elims sa 4-0 mark.

“Basta kung ano yung maitutulong ko sa team, ‘yun ‘yung gagawin ko. Kumbaga kung ano ‘yung best ko, ibibigay ko,” wakas niya. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.