Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Deadline sa road clearing pinalawig

0 103

Muling pinalawig ng Department of the Interior and Local Government (DILG) hanggang Pebrero 15 ang ‘road clearing operations’ upang bigyan-daan ang mga lokal na pamahalaan sa preparasyon sa vaccination program laban sa COVID-19.

Ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya, inurong ang deadline sa Pebrero 15 sa road clearing operations sa ibat-ibang lugar sa bansa, dahil batid umano nila na dapat ang agarang pagtugon ng LGU sa gagawing malawakang pagbabakuna sa publiko.

SM food to go Banner Ad

Una nang naglabas ng Memorandum No. 2021-007 ang DILG na nag-aatas sa lahat ng LGUs na maglatag na ng vaccination plan at communication campaign para ipagbigay-alam sa publiko ang lahat ng impormasyon sa bakunahan.

Pero sabi ng ahensya, ito na ang huling extension na ilalabas para sa clearing operations nang iurong ito mula January 15 sa January 22. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.