Abante Tonite Interactive

Dean chess arbiter Poliarco namatay

370

Sumakabilang buhay na si Generoso ‘Gene’ Poliarco noong Linggo dahil sa cardiac arrest.

Siya ang dekano ng mga Pinoy chess arbiter. Hindi dahil sa kanyang edad kundi sa pagiging pinakamatinik na magpatakbo ng mga torneo sa nasabing sport sa kapuluan.

Ayon kahapon kay Grandmaster Jayson Gonzales, nalaman niya ang malungkot na balita sa anak ni Poliarco na si Louie sa Imus City.

Dinala si Poliarco sa isang ospital ng Alaminos City kung saan namatay siya sa edad na 77. May anak siyang nakabase rin sa naturang lungsod.

Halos 40 taon naging chess arbiter si Poliarco tapos niyang makuha ang titulong International Arbiter (IA) sa rekomendasyon ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP). Maari siyang kumita ng dolyares o limpak na salapi dahil sa kiunukuha ang serbisyo niya ng World Chess Federation o FIDE. Pero mas pinili niyang makapaglingkod sa bayan makaraan niyang magretiro bilang chess player noong 1982.

Aktibo si Poliarco sa mga chess activities kahit pa sa malalayongh lugar sa bansa, sa nakaraang taon lang ay nagsagawa siya ng isang arbitration seminar sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE) ni Gonzales sa Quezon City.

Aktibong chess IA si Poliarco sa mga international at oba pang malalaking chess tournaments sa bansa hanggang sa taong ito. (Elech Dawa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad