Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Deanna alam ang pagtapak sa Choco

0 229

Malaking pabor para kay University Athletic Association of the Philippines (UAAP) star Deanna Wong na maging miyembro ng powerhouse Choco Mucho Flying Titans ngayong tatapak na siya sa semi-pro Premier Volleyball League (PVL).

Katwiran ng 22-taong gulang at may taas na 5-7 Cebuana setter, inaasahan na niyang makakapaglaro sa Choco dahil karamihan sa miyembro ng nasabing koponan ay buhat sa Ateneo Lady Eagles.

“I think it was already expected naman siguro na sa Choco Mucho ako based on the coach, the teammates,” pahayag nitong Linggo ni Wong sa Tiebreaker Vodcasts’ So She Did.

Ilan sa notable players ng Flying Titans na mula rin sa Katipunan-based squad ay sina Maddie Madayag, Kat Tolentino, Denden Lazaro-Revilla, Bea De Leon at Kassandra Gequillana.

Ang coach din ni Deanna sa kanyang collegiate team na si Oliver Almadro ang nagmamando rin sa Titans. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.