Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Deanna bulaga sa pabuwenas

0 268

Wala nang atrasan, solid Choco Mucho Flying Titans na sa 4th Premier Volleball League (PVL) si Ma. Deanna Izabella Wong sa pagsunod sa diyowang si Jessica Margarett ‘Jema’ Galanza ng Creamline Cool Smashers sa liga.

Pumirma ang University Athletic Association of the Philippines at Ateneo Lady Eagle star at ura-uradang pinadalhan ng supply na produkto ng team.

Nabulaga man, pinasilip kahapon ng 21-year-old, 5-foot-8 Cebuana setter sa kanyang Instagram story ang karton-kartong Choco Mucho biscuit bilang pa-welcome o pambuenas sa pagiging opisyal na niyang manlalaro sa koponan. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.