Abante Tonite Interactive

Death penalty bill bubuhayin ni Sotto

0 248

Nakikita naman ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na posibleng mapabilis ang pagsusulong ng death penalty bill sa high level drug trafficking.

“It’s a possibility now because nadagdag nga ‘yung pro-death penalty,” pahayag ni Sotto.

“Pero sino bomoto sa kanila? ‘Yung mga tao. ‘Di ba alam nila ‘yung mga pro-death at hindi?” dagdag pa ng senador.

Nilinaw naman ni Sotto na hindi ito panukala mula sa Mala­kanyang bagkus ito ay ini­hain sa Kongreso nang walang kamay ang Pangulo.

“Ako, payag na ako dun sa ‘wag penalty e because nakita ko rin e. You could say that I’ve seen the light. Payag na talaga ako na huwag ‘yung death pe­nalty,” giit pa nito.

“But for high level drug trafficking, it has to be there,” dagdag pa ni Sotto.

Gayunman, kung ie-extend aniya ang death penalty sa iba pang krimen ay imposible pa rin itong maisulong.

“Talo na ‘yun. Talo na sa amin ‘pag in-expand. Mahihirapan. ‘Di namin makukumbinsi ‘yung iba e,” giit nit Sotto. (Dang Samson-Garcia)