Abante Tonite Interactive

Death penalty ‘di sagot sa kriminalidad

0 171

Dear Abante Tonite,
Kamakailan po palagi kong naririnig ang pagnanais ng karamihan mula sa ating government officials ang pagbabalik ng death penalty sa ating bansa.

Ayon nga po sa sabi ni Senator Bato Dela Rosa. “It can cure everything” sa aking pagkaalala. Pero para po sa akin hindi ito ang solusyon para mawakasan o matigil ang mga nagaganap na krimen sa ating bansa.

Sa aking palagay nararampat munang linisin ang hanay ng pamahalaan sa mga kurakot at sangkot sa mga krimen. Anti-poor po ang death penalty. Saka kung tutuusin hindi pa maganda ang teknolohiya natin sa forensic kaya mahirap ang paglulutas ng kaso. Hindi rin accurate madalas ang hatol sa mga criminal dahil sa kakulangan ng ebidensya at mis-match ng mga ebidensya.

Dapat munang pondohan ng ating pamahalaan ang pagpapabilis ng paglilitis at pag-upgrade ng ating forensic technology. Dapat linisin ang hanay ng mga hukuman at husgado. Dagdag pa riyan dapat linisin din ang hanay ng kapulisan. Hindi sagot ang death penalty sa ating problema sa krimen tingin ko rin po dapat masolusyunan ang kawalang trabaho ng marami at kahirapan ng bansa upang hindi na masangkot ang maraming Pilipino sa krimen .
Lito Aguinaldo