Abante Tonite Interactive

Death penalty panapat sa mga heinous crime – Bong Go

By
0 122

Kinondena ni da­ting Special Assistant to the President at senatorial candidate Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang brutal na pagpatay sa Grade 9 student na si Christine Lee Silawan sa Cebu City.

Sinabi ni Go na dapat lamang na ibalik ang parusang kamatayan para matigil ang mga karu­mal- dumal na krimen sa bansa.

Ang nangyari aniya kay Silawan ay dapat ma­ging hudyat na para ibalik ang parusang bitay sa bansa.

“Naniniwala akong epektibong deterrent ang death penalty laban sa mga karumal-dumal na krimen, katulad ng walang awa at mala-demonyong paggahasa, pagpatay at pagbalat pa sa mukha ni Christine Lee Silawan ng Cebu,” ani Go.

Nanawagan ang dating kalihim sa Philippine National Police (PNP) para agarang maresolba ang krimen at mabigyan ng hustisya ang biktima.

“Nanawagan ako sa ating kapulisan para sa agarang pagresolba ng kasong ito at pagbigay ng hustisya sa biktima at kanyang naulilang pamilya,” dagdag pa ni Go.