Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Death penalty sagot ba sa iligal na droga?

0 548

Tiyak na mayroon ng mga hindi nakakatulog na druglords sa loob ng New Bilibid Prison(NBP) matapos hinilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na ibalik ang parusang kamatayan para sa mga nahatulan sa kasong illegal na droga.

Nais kasi ng Pangulo na sampulan ang mga druglord sa pamamagitan ng lethal injection para matakot at matigil na ang mga sindikato sa kanilang illegal drug trade.

Kung makakalusot sa Kongreso ang death penalty bill ay tiyak na maraming malilinya sa death row at tuluyang maglalaho sa mundo.

Isa ang war on drugs sa mga inilunsad ni Pangulong Duterte pagkaupo sa puwesto at maraming mga miyembro ng sindikato ang namatay, pati na ang mga street pushers at users kaya naakusahan ang gobyerno ng extra judicial killings.

Pero isa ang malinaw, nabawasan ang problema, pati ang street crimes na dulot ng epekto ng paggamit ng illegal na droga.

SM food to go Banner Ad

Gayonman,nais ng gobyerno na matarget at mawala ang ugat ng problema, ang mga druglord at sindkatong nagpapatakbo ng illegal drug trade sa bansa.

Kung sakaling maibalik ang death penalty, tiyak na marami ang manginginig at magdalawang-isip na ipagpatuloy pa ang operasyon sa illegal na droga.

Maraming bansa sa Asya ang may death penalty at agad na binibitay ang mga sangkot sa illegal na droga, pero dahil walang ganitong parusa sa Pilipinas, dito sa bansa ginagawa ang transhipment point ng kalakalan sa droga.

Patunay dito ang mga nakukumpiska ng mga otoridad na milyon hanggang bilyong pisong halaga ng shabu kahit pa nasa kasagsagan ng COVID pandemic.

Simula ipatupad ang lockdown noong Marso ay naging sunod-sunod ang pagkasakote sa malalaking bulto ng shabu subalit walang maaresto kung sino ang mga nasa likod nito.

Ayokong isiping may natutulog sa pansitan pero mukhang ganito talaga ang isiipin dahil sa kabila ng war on drugs ay tuloy ang pamamayagpag ng mga sindikato kaya dapat lang na ibalik ang parusang kamatayan para maturukan ng karayom ni kamatayan ang mga salot sa lipunan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.