Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Death penalty tengga kay Cayetano

0 358

Nilinaw ni Speaker Alan Peter Cayetano na hindi nagmamadali ang Kamara para aksiyonan ang panukalang death penalty para sa mga kasong may kinalaman sa illegal drug trafficking.

Ayon kay Cayetano, bagama’t isa ang death penalty sa mga isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi naman aniya nangangahulungan na agad na nilang isasantabi ang mas mahahalagang panukala na kabilang sa kanilang prayoridad.

Ngayong nahaharap sa pandemic ang bansa, mas prayoridad aniya ng Kamara ang Bayanihan Law 2 na dapat aprubahan ng kapulungan sa lalong madaling panahon at iba pang panukala na tutulong sa maliliit na negosyante at makapaglikha ng trabaho bukod pa sa 2021 national budget. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.