Abante Tonite Interactive

Death squad vs NPA iligal — De Lima

By
187

Iginiit ni Senador Leila de Lima na hindi dapat ginagawang katuwa-tuwa ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang bigay-bawing plano nitong bumuo ng death squad laban sa Sparrow Unit ng New People’s Army.
Ito’y matapos bawiin ng Malacañang at sabihing ideya lamang umano ang death squad upang matugis ang mga NPA.
Ayon kay De Lima, hindi dapat ginagawang biro ang ganitong usapin dahil marami aniyang naalarmang Pilipino tulad ni Defense Secretary Lorenzana nang unang kumpirmahin ng Pangulo ang pagbubuo ng death squad.
“Duterte’s announcement to organize a death squad against the so-called Sparrow Units of the NPA cannot be taken lightly as another joke. It has been taken seriously by Defense Secretary Lorenzana,” pahayag ni De Lima.
Tulad din ng pag-isyu ng Me­morandum Order No. 32 kung saan dadagdagan ang tropang sundalo sa Samar, Negros at Bicol region, naniniwala ang senadora na masama rin ang hangarin ng planong pagbuo ng death squad.
Aniya, ang sanib puwersang death squad at MO 32 ang gagamiting instrumento umano ng Pangulo upang mapatumba ang sinumang kumakalaban sa kasalukuyang administrasyon.
“Death squads are basically an instrument of repression. They are illegal by definition,” dagdag ni De Lima.