Abante Tonite Interactive

Deborsyo kay Zoren pinagkalat, Carmina ‘di magdedemanda

0 1,636

Mariing itinanggi ng “Sunod” lead actress na si Carmina Villarroel na hiwalay na sila ng mister niyang si Zoren Legaspi.

Katunayan, very solid daw ang pagsasama nila ni Zoren kaya nagtataka siya kung bakit nagkakaroon ng isyu na hiwalay na sila.

Sey pa niya, wala raw naman siyang balak na magdemanda kung sino man ang nagkakalat ng nasabing fake news.

Base kasi sa kumalat na artikulo sa online, nag-file na raw ng divorce ang showbiz couple. Ang itinuturong dahilan ay ang kawalan ni Carmina ng panahon sa kanyang pamilya dahil sa abala ito sa kanyang skin-care product business.

“It’s obviously na ginagamit lang nila ako sa product nila. Sad to say, meron pa ring naniniwala kahit paulit-ulit na rin akong nagpaliwanag. Nalulungkot nga ako kasi nanloloko sila ng tao pero sabi ko nga, hindi naman iyon totoo. When you read the article, nakasulat doon na divorced na raw kami at doon pa lang mali na dahil walang divorce rito sa Pilipinas, annulment meron pa. ‘Pag trinace mo kasi ‘yung link, untraceable siya, so doon sa mga nakakakita at nakakabasa, magduda muna kayo bago maniwala sa mga sumulat,” paliwanag niya.

Pruweba pa nito, buong ningning pa niyang ipinakita sa amin ang suot-suot niyang wedding ring sa kanyang daliri.

“I’m still married. I’m happily married, so hindi iyon totoo,” pagtatapos niya.

Dahil din untraceable, ipinauubaya na lang niya sa Diyos kung sinuman ang gustong sirain ang kanyang pamilya.

Bida si Carmina sa pelikulang “Sunod”, ang kaisa-isang horror entry sa 2019 MMFF. Kasama niya sa cast sina Mylene Dizon, JC Santos, Susan Africa, Krystal Brimner, Rhed Bustamante, Kate Alejandrino at marami pang iba.

Ipininodyus ng Ten17P at Globe Studios at idinirehe ni Carlo Ledesma. (Archie Liao)