Abante Tonite Interactive

Decrypted ballot hinirit ni VP Leni sa vote recount

By
869

Ipinababasura ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang hirit ni dating Sen. Bongbong Marcos na huwag gamitin ang decrypted ballot images sa manual recount of votes.

Kaugnay ito sa electoral protest ni Marcos laban kay Robredo.

Sa inihaing 17-pahinang manifestation with prayer sa Supreme Court na siyang umupong Presidential Electoral Tribunal (PET), nakasaad na wala naman umanong naipakitang ebidensiya si Marcos para sabihing nakompromiso ang integridad ng halalan kaya nararapat lamang na itu­loy ang paggamit ng decrypted ballot ima­ges sa pagbibilang.

Iginiit pa ng kampo ni Robredo na walang mababago sa resulta ng halalan kahit gamitin ang decrypted ballot images noong 2016 elections.

Desperado umanong hakbang ni Marcos ang hilingin na huwag gamitin sa manual recount ang decrypted ballot i­mages dahil alam niyang walang nababago sa resulta ng ongoing na bilangan.