Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dedbol na baby bumulaga sa simbahan

0 117

Patay na nang makita ang bagong panganak na sanggol sa loob ng isang simbahan sa Molo, Iloilo City noong Sabado ng gabi.

Sa report ng Molo Police Station (MPS), ayon sa security guard ng St. Anne Parish Church ng nasabing bayan, nakita niya ang isang paper bag na iniwan malapit sa may pintuan ng nasabing simbahan.

Ayon sa pulisya, noong tiningnan ng security guard ang laman ng bag ay nagulat ito dahil may nakasilid na isang baby.

Dito, agad na humingi ng tulong ang security guard sa MPS at dinala nila ang sanggol sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Sinabi ng pulisya na tinatayang nasa pito hanggang walong buwan pa lang ang sanggol.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kung sino ang nag-iwan sa patay na sanggol sa loob ng simbahan. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.