Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Dede’ ni baby delikado sa microplastic

0 107

Milyon-milyong microplastic umano ang nakakain kada araw ng mga sanggol na pinapadede sa plastic bottle, ayon sa pag-aaral na isinagawa ng mga scientist na inilabas sa journal na Nature Food.

Nadiskubre ng mga eksperto na ang rekomendadong high-temperature process para sa pag-sterilize ng plastic bottle at paghahanda ng formula milk ay nagiging sanhi ng paglagas ng bote ng milyon-milyong microplastic, ayon sa mga internasyonal na ulat.

Ang mga microplastic ay maliliit na piraso ng plastic, na sa sobrang liit ay imposibleng makita ng mga mata. Sinailalim sa test ang 82% ng mga polypropylene bottle na binebenta sa buong mundo. Sa ginawang pagsusuri ng mga researcher, nakita na naglalabas ang bote ng milyon-milyong maliliit na plastic particle.

“We were absolutely shocked and we were hugely worried. It meant that most babies, one-year-old babies, were consuming on [average] a million microplastic particles a day,” pahayag ni John Boland, isa sa may-akda ng pag-aaral, sa isang ulat. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.