Abante Tonite Interactive

Dede ni Kylie nasaktan

By
2,620

Nakita namin ang sobrang cute na anak nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na si Alas Joaquin sa set ng ‘The Cure’ sa Bulacan.

Sinasama pala kasi ni Kylie si Alas sa tuwing may taping siya dahil hindi niya ka­yang wala sa tabi niya ang bagets.

Masayang kuwento sa amin ni Kylie, nu’ng first 2 taping days na hindi niya sinama si Alas ay hindi maganda ang epek sa kanya dahil bukod sa postpartum ay may anxiety pa siya.

Naaliw kami sa tsika ni Kylie na masakit sa dede dahil pina-pump niya ‘yung gatas niya at iniipon para kay bagets.

Sey niya, ‘pag si Alas ang naka-latch sa dibdib niya ay hindi niya ramdam na napupuno siya ng breastmilk.

Pero ‘pag nagpa-pump siya ay ramdam niya ang pagdami ng gatas at tumitigas ang boobs niya, na every 3 to 4 hours ay puno na.

Tawa ni Kylie, ‘Dede’ ang tawag sa kanya ni Alas habang kay Aljur ay Papa. Malamang ‘yun ang sinasabi ni bagets ‘pag gusto nitong dumede kaya ‘yun na rin ang naging tawag nito sa kanya.

Ngayong nanay na si Kylie ay may cutoff na siya sa ta­ping. Hanggang 3AM lang siya, pero hindi siya hirap dahil madaling alagaan si Alas at kahit saan ay natutulog ito.

Okey pa rin si Kylie sa puyatan, basta kasama niya ang baby niya. ‘Pag kailangan naman daw kasi niyang magpa-breastfeed ay hinahayaan siyang umalis muna sa set.

Umabot ng 180 lbs. si Kylie nu’ng buntis siya, pero in fairness ay sexy na ulit siya ngayon dahil sa diet at workout. Parang naging coach niya raw si Aljur, na very supportive at kahit pagod o nag-gym na ito ay sinasabayan pa rin siya kaya rin siya na-inspire magpapayat.

Sa August 4 ang 1st birthday ni Alas at pinaghahandaan na nila ang big party ni bagets, na zoo o jungle ang theme dahil mahilig ito sa animals lalo na sa dogs.

Masaya ang 25-anyos na Kapuso actress sa astig na female character niyang si Adira Aguilar sa ‘The Cure’ dahil binigyan pala siya ng freedom na gawin ang look nito.

Idea ni Kylie ‘yung mga tattoo sa braso ni Adira, na sticker lang pero one week tumatagal. Diwata siya last time sa ‘Encantadia’ kaya gusto niya ay ibang-iba naman.

Pangarap ni Kylie na pumatay ng zombies, so enjoy siya sa ‘The Cure’ dahil parang ganu’n ang ginagawa niya sa mga infected ng monkey virus disease.

Nag-guest din sa ‘The Cure’ si Ruru Madrid na ikinatuwa ng KyRu fans. Thankful si Kylie na kahit mom na siya ay hindi nag-iba ang tingin ng mga tao sa kanya at may mga kinikilig pa rin sa kanila ni Ruru.

Bea, walang magagalit sa bed scene

Sa pagpapapayat pinakanahirapan si Bea Binene kaya panay pa rin ang diet at exercise ngayon ng Kapuso star.

Yung katawan ni Bea ang sobra niyang pinaghandaan dahil baka raw siya ang magmukhang nanay ni Sunshine Cruz, na gumaganap na ina niya sa bagong morning soap ng GMA na ‘Kapag Nahati ang Puso’.

Aminado ang 20-anyos na dalaga na hirap siyang magpapayat kahit vegan na siya ngayon at hindi na siya kumakain ng kahit na anong lumi­lipad, lumalakad, lumalangoy at gumagapang.

Mapangahas na si Bea sa nasabing Kapuso serye, na pag-aagawan nila ng inang si Sunshine si Benjamin Alves.

Game siya sa kissing scene dahil sa screen test pa lang nila ni Ben ay meron na agad silang halikan.

Hindi pa niya alam kung may love scene, na never pa niyang nagawa ever, pero trabaho raw ‘yon if ever at alam niyang hindi siya pababayaan ni Direk Gil Tejada. Wala raw magagalit sa kanya kung maki­pag-bed scene man siya.

Very gentleman, matalino, masarap kausap at very professional ang description niya kay Benjamin, na ‘pag nakikita niya ang abs ay parang wala raw itong anumang taba sa katawan.

Nape-pressure naman siya sa hot momma na si Sunshine, na ‘pag nakikita niya ang seksing katawan ay parang gusto niya raw bigyan ng pagkain. Sobrang fit nito kaya ginagawa niyang fitspiration.

Katwiran ni Bea, hindi puwedeng forever siyang pa-tweetums. Kailangan ay nag-e-evolve ang mga role niya and she’s willing to take this challenge para may iba siyang maipakita sa mga tao.

Ngayong umaga na ang simula ng ‘Kapag Nahati ang Puso’ sa GMA bago mag-‘Eat Bulaga’.