Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dedma sa lockdown: 8K Kabitenyo dinampot

0 125

UMABOT sa halos 8K o kabuuang bilang na 7,885 indibidwal ang naitalang sumuway sa mga ipinagbabawal sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) na ipinapairal sa lalawigan ng Cavite.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO) sa kabuuang 7,885, 790 dito ay hindi nagsusuot ng face mask; 1,193 ay hindi tamang pagsusuot ng face mask o nakababa; 3,402 naman dito ang hindi nagsusuot ng face shield; 1, 942 ay hindi tamang pagsuot ng face shield o nakataas lamang o kaya ay bitbit lang; 158 ay sa social distancing at 400 dito ay sa curfew.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kabuuang bilang, 49 sa kanila ay nagbayad ng danyos habang tatlo dito ay inaresto.

Ayon sa Cavite PPO, isinagwa ang operasyon sa loob ng 24 oras sa buong lalawigan ng Cavite. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.