Abante Tonite Interactive

Dee pinakamalaki ang kinita sa eSports 2019

0 145

Inilahad ng Level Up sa nakaraang linggo ang kinita ng mga lalaking atleta natin sa electronic sports o eSports sa katatapos lang na 2019.

Alam ba ninyong ‘di nagpapaiwan ang ating mga kababaihan mula sa kanilang kinita sa paglalaro sa iba’t ibang panig ng mundo.

Indikasyon na mahuhusay rin talaga ang mga manlalarong Pinay sa iba’t-ibang game titles.

Base sa pinakahuling female rankings, nasa ika-22 puwesto at may pinakamalaking kinita si Jacinta Patricia “Jia” Aquino Dee, na may player ID na Jia, na nakapagsubi ng $31,000 sa paborito niyang larong Hearthstone.

Ikalawa na nasa ika-170 puwesto sa rankking si CaraCute o si Cara Vergel de Dios na may $3,550 mula rin sa Hearthstone.

Apat na Pilipina pa ang mga dumale ng $1,500 premyo bawat isa sa mas mahirap laruiG combat game na Counter-Strike: Global Offensive.

Nasa 295th spot si Coffeeee, nasa 296th na si Kuchiii, nasa 297th si Laire, at nasa 300th si Tricks.

Hinahayaan ang pagsali ng kababaihan sa eSports dahil na rin sa kagustuhan ng International Olympic Committee (IOC) na magkaroon ng gender equalify at parehas na maisali ang lahat ng mga nagnanais maging parte sa sports ito at kung maisasamang medal sport sa Olympics.

***
Maligayang kaarawan kay Enrique ‘Toto’ Valera ng panulukan ng 6th at Main St., Paco, Maynila na nagdiwang nitong Sabado, Enero 11. Pagbati mula kay Rebecca Geronimo-Arana.