Abante Tonite Interactive

Deed of donation valid kahit matagal nang ginawa

428

Good day Atty Claire,

May gusto lang po akong itanong sa ­pag-transfer ng title.

Annulled na po ako but my property po ­kaming ng ex-husband ko. Ngayon po gusto ko na pong i-transfer sa dalawang anak ko na nasa legal age na.

Bago pa kami ma-annulled ay pumirma po siya ng deed of donation na ‘yung property namin na house ay ibibigay niya sa dalawang anak that’s the time na mga minor pa sila.

Is that valid po ba Attorney kahit ‘di pa na-notaryo ‘yung nasabing deed of donation? Kasi according sa pinagawan ko dati ‘wag muna raw ipa-notaryo hanggang ‘di pa raw mai-transfer ang titulo. Tama po ba ‘yun?

Ngayong annuled na kami at nasa legal age na ang mga anak namin puwede ko na po bang ipa-transfer ang titulo ng bahay namin?

Lubos na gumagalang.
Roselyn

Dear Ms. Rose,

Ang ginawang deed of donation ng iyong asawa pabor sa inyong mga anak ay valid kahit iyan ay matagal nang nagawa. Kakailanganin ninyo lamang na iyan ay manotaryuhan upang maiproseso mo ang paglipat ng titulo sa pangalan ng inyong mga anak.

Inaasahan ko na kayo naman ay ­naging maganda ang pag­hi­hiwalay upang sabay na kayong pu­punta at haharap sa notaryo publiko upang mapanumpaan at patotohanan ang dokumento na inyong ginawa at pinirmahan.

Tandaan na ang pag-dispose o paglipat ng may-ari ng kanyang karapatan sa isang ari-arian ay karapatan niya ngunit kapag ang asawa mo ay nagkaroon muli ng ibang mga lehitimong anak sa magiging asawa niya (kung magkakaroon) ay maaaring maibalik sa dating estado ang ari-arian upang hindi maapektuhan ang share ng iba ­niyang mga tagapagmana kung sakaling hindi sapat ang share upang mahati ng pantay ­pantay.

Kakaiba naman kapag ang ginawang dokumento ay isang deed of sale (totoong may bentahan). Kapag bentahan ang naging transaksyon pabor sa anak ay hindi na ito mababawi pa at ­maibabalik sa ­dating estado (estate ng ­asawa mo) dahil ­naisalin sa iba ang ­ari-arian ng may ­kasamang ­konsiderasyon o bayad.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 4107624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.