Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Deed of sale lang hawak sa nabiling lupa

0 318

Dear Atty. Claire,

Good morning po,

Magtatanong lang po kung paano ang pwede naming gawin sa nabiling lupa po ng nanay namin. Patay na po kasi siya pati na rin po yung pinagbilhan niya ng lupa. Ang problema po namin ay deed of sale lang po ang hawak namin, nais po sana namin itong patituluhan na nakapangalan na rin po sa aming mga anak since wala naman na po si mama.

Salamat po, Momshie Jane

Mrs. Momshie Jane,

Hindi po ninyo nabanggit kung may hawak ba kayong titulo maliban sa Deed of Sale. Paano ba natin malalaman ang karapatan o right nung nagbenta sa nanay mo. Sana ay malaman ninyo kung saan ba galing ang sinasabi ninyong rights nung nagbenta dahil baka wala siyang hawak na titulo o kahit na tax declaration. Iyon po muna ang unahin natin. Alamin at hanapin ang anumang dokumento na maaari nating gamitin para mapatunayan natin ng ownership ng nagbenta.

Matapos niyan ay alamin din sa Assessor’s Office kung updated ba ang bayad sa amilyar. Hindi ninyo maililipat ito sa pangalan ninyo kung di updated ang pagbabayad ng amilyar.

Kung halimbawa na may titulo o kaya naman ay may tax declaration na nakapangalan sa nagbenta. Paki check kung notaryado na ang Deed of Sale.Kung notatyado ay mgagamit po yan pero may penalty na dahil hindi kaagad nabayaran ang mga tax na dapat bayaran sa tamang oras. Kasi kung hindi po ay hindi nyo po iyan magagamit para mailipat ang ownership ng property. Pwede nyo pong gawin ay kausapin anng mga tagapagmana nung nagbenta na gumawa ng extrajudicial settlement of estate with deed of sale.

Kung may katanungan pa ay tumawag sa 8922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire at subaybayan ang Asintado sa Abante News Online (FB) tuwing Lunes, Miyerkules at Biernes 8:00 PM

Leave A Reply

Your email address will not be published.