Abante Tonite Interactive

Defending champion Ateneo gutom pa rin babaha ng emosyon!

652

Alam ni Thomas Anthony ‘Tab’ Baldwin at kanyang Ateneo de Manila University na sobra-sobra na ang naabot ni Dolreich ‘Bo’ Perasol at Unibersidad ng Pilipinas sa 81st University Athletic Association of the Philippines 2018 men’s basketball tournament dahil sa nakakapuwing na opensiba na minamaniobra ng Big 3 na sina Bright Akhuetie, Juan Gomez de Liano at Paul Desiderio.

Kaya doon nakaradar ang paboritong ADMU Blue Eagles coach sa misyong madepensa naman nila ang korona sa siklab ng Game 1 ng best-of-3 titular showdown simula sa alas-3:30 ng hapon mamaya sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Ipantatapat niya kina MVP Akhuetie, Mythical 5 member Liano at team skipper ‘Atin ‘to’ Desiderio sina Angelo Kouame, Thirdy Ra­vena, Antonon Asistio at iba pang mga kasamahan upang magunaw ang opensa ng State U at ng 3.

Nakapaloob din siyempre ang nais ni Perasol na makabawi sa dati niyang team na 3 taon nang napasailalim sa kanya bago nalipat sa kasalukuyan sa kanyang alma mater, bitbit ang damdamin sa nabago niyang takbo ng Diliman-based dribblers mula sa mahigit 3 dekada nitong pagiging tampalasan lang sa liga.

“Tama, masasabi nating ang UP, aping-api dati tapos ngayon, lumalaban na. Mula sa baba, pero lumalaban na para umangat,” giit niya, hinirit kahit sobra-sobra na ang naabot nila ngayong taon, ‘di pa rin sila kuntento na maghangad ng mas mataas pang pedestal.

Panahog sa opener sa magkabilang koponan ang tila makasapol ng 2 ibon sa 1 bato lang agad.

Gigil maka-1-0 lead na magandang puhunan na para sa Lupang Pangako, nais ng 2 coach at team na maipreserba rin ang kanilang winning streak na nagbuhat pa sa eliminations hanggang semifinals.

Tapos mag-5-2 sa 1st round elims, nawalis ng ADMU Blue Eagles ni Baldwin ang 2nd round tungo sa 12-2 para mag-top seed at tinapos ang Far Eastern University noong Linggo sa Final 4, 80-61.

Samantalang tinuldukan ng underdog No. 3 seed State U ni Perasol ang 2nd round elims sa pagsakote sa huling 3 oposisyon saka nilindol ang Adamson University na may 2x-to-beat advantage sa semis.

Tonite – Wendys Inhouse Ad