Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Defensor binusalan ng FB sa COVID post

0 106

Pansamantalang naka-block ngayon ang Facebook page ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor dahil sa post nitong analysis kaugnay ng mga kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang bansa.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Defensor at iginiit na hindi fake news ang kanyang mga post kundi sariling opinyon batay sa mga datos kaugnay ng bilang ng mga COVID-19 case sa United Kingdom, Israel, United States, India at iba pa.

“Facebook just blocked me for giving my analysis on the COVID-19 update report posted in the internet,” sabi ni Defensor.

Ayon sa naka-post na mensahe sa Anakalusugan Partylist Cong. Mike Defensor page ito ay hindi magagamit ng tatlong araw.

SM food to go Banner Ad

“You recently posted something that violates Facebook policies, so you’re temporarily blocked from using this feature,” saad ng mensahe.

Dahil dito, sinabi ni Defensor na panahon na rin umanong suriin ang polisiya ng Facebook kaugnay ng pagsasara nito ng mga account kaya maghahain siya ng resolusyon para makapag-imbestiga ang Kamara.

“I think it’s about time that we investigate the policies on censorship of Facebook,” sabi ni Defensor.

Si Defensor ay isa sa mga kongresista na nagsusulong sa paggamit ng Ivermectin para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at agad na gumaling ang mga nahawa nito. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.