Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Defensor: Boto vs ABS-CBN franchise `di resbak

0 263

Nilinaw ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na walang halong paghihiganti ang pagboto niya laban sa panibagong prangkisa ng ABS-CBN.

Sa panayam sa programang “Balitaan at Kamustahan” ni Jon Ibanez sa Politiko Live, sinabi ni Defensor na walang kinalaman ang kanyang mining firm sa Tawi-Tawi sa pagboto niya laban sa prangkisa ng network.

Sinabi ni Defensor na hindi naman sinuspinde ng yumaong dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Gina Lopez ang mining firm sa Tawi-Tawi.

Nilinaw ito ni Defensor dahil sa mga espekulasyon na gumanti ang mambabatas sa ABS-CBN dahil ipinasara ang kanyang mining firm sa panahong kalihim pa si Lopez sa DENR.

“Alam mo Jon ang minahan naming sa Tawi-Tawi hindi o walang kinalaman si Gina Lopez dun. Hindi niya sinuspend iyon. Katunayan tumatawag pa siya nagpapasama siya sa Tawi-Tawi,” paggunita ni Defensor.

Nanindigan si Defensor na ang tunay na dahilan ng pagkakasara sa ABS-CBN ay ang mga naging palabag umano nito.(Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.