Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Defensor: DOH, FDA kunsintidor sa tubong-lugaw na Remdesivir

0 1,034

Pinuna ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor ang umano’y dobleng presyo ng investigational drug na Remdesivir kapag ibinenta sa mga pasyente na may COVID-19.

Aniya, ang presyo ng Remdesivir kapag binili sa iba’t ibang manufacturer ay nasa P1,950 hanggang P6,200 kada vial, pero batay sa mga resibo na ipinadala ng mga pasyenteng ginamitan ng Remdesivir, ibinenta ito ng mga ospital at pharmacy sa halagang P7,762.50 hanggang P48,241 kada turok.

Ang mas nakababahala, ayon kay Defensor hindi inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng Remdesivir sa mga COVID-19 patient dahil sa kawalan ng ebidensya na nakapagpapagaling ito.

“Some people are obviously raking in a lot of money from the sale of this drug, and the DOH (Department of Health) and FDA (Food and Drug Administration) are abetting it. Did the drug save lives? I hoped so, but we don’t know,” ani Defensor.

Milyong pondo rin umano ng DOH ang iginugugol sa pagbili ng Remdesivir na dinadala sa iba’t ibang ospital ng gobyerno.

Kung pinapayagan umano ang Remdesivir, hinihigpitan naman ng DOH at FDA ang paggamit ng mas murang Ivermectin na ininom ng marami sa mga gumaling sa COVID-19.

Pinamamadali ni Defensor sa DOH at Department of Science and Technology (DOST) ang clinical trial ng Ivermectin na nagkakahalaga ng P35 kada tableta.

“Can the DOH and FDA allow the use of Ivermectin? Yes, they can, if they want to. In fact, the FDA is allowing it on a patient-to-patient basis. Why not permit its use on a wider scale so it would be available to more patients, especially the poor,” sabi pa ng mambabatas. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.