Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Defensor nagpasoklolo sa NBI, anak binantaan ng netizen

0 555

Humingi ng tulong si Anakalusugan Rep. Mike Defensor sa National Bureau of Investigation (NBI) para matunton ang taong nagbanta na papatayin ang anak niyang si Juliana.

Matapos kasi aniya niyang mag-post ng larawan sa social media, may nagkomento na papatayin umano ang anak niya.

“Nagulat ako kasi nuoog Linggo, parang pinost ko ‘yung the night before the novena noong aming anak. Tapos merong nagkomento doon, ‘Papatayin ko ‘yung anak mo, g*go. ‘Yung pangalawang sinabi niya, parang ‘Mata sa mata, buhay sa buhay, papatayin ko si Juliana’,” wika ng mambabatas sa mga reporter.

“Siyempre nakakabahala ‘yung ganun. Hindi mo alam kung saan nanggaling yun, kung ano yung isip ng taong yun, at hindi maganda yung ganun,” aniya pa.

Karaniwan na umanong nakatatanggap si Defensor ng mga death threat na pinagwawalang-bahala niya, pero nabahala siya sa nasabing komento kaya dumulog na siya sa NBI.

“Nagpa-message muna ako para madaling ma-trace. Alam ko dinelete niya e pero nakuha namin ‘yung pangalan and hopefully ma-trace namin ito,” ayon pa sa kongresista. (Shernielyn dela Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.