Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Defensor nilampaso si Belmonte

0 248

Isusuka na ng mga taga-Quezon City si Mayor Joy Belmonte sa darating na halalan at papalitan ni Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor kung pagbabatayan ang pinakahuling survey sa local election sa naturang lungsod.

Ayon sa Pulso ng Pilipino survey ng Issues and Advocacy Center o tinatawag din bilang The Center na pinamumunuan ni Ed Malay, ginawa ang survey mula Setyembre 27 hanggang Oktubre 8.

Batay umano sa survey, magiging pinakamalaking upset ang mangyayari kay Belmonte na nangungulelat kay Defensor kung ngayon na gagawin ang halalan.

“In Quezon City, there could be a changing of the guards with nickl mining magnate and party-list Representative Michael `Mike’ Defensor enjoying a double-digit lead over incumbent Mayor Joy Belmonte if elections were held on the period the survey was made,” saad sa Pulso ng Pilipino survey.

Nasa 41% ng mga respondent sa Quezon City ang nagsabing si Defensor ang iboboto nila samantalang 27% lamang ang nagsasabing si Belmonte ang kanilang iboboto.

“The survey results for Quezon City showed Defensor leading Belmonte in all the socio-economic classes from ABC, D and E,” ayon pa sa survey.

Sinabi ni Malay na kapag nagpatuloy ang ganitong trend ay maaaring magkaroon ng bagong alkalde ang Quezon City sa susunod na taon at mabababasag na ang dekada na ring paghawak ng mga Belmonte sa lungsod. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.