Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Defensor pumalag sa mga senador na kontra sa PhilHealth e-power ni Duterte

0 599

Naglabas ng hugot si House Committee on Public Accounts chairperson at Anakalusugan Party-list Rep. Michael Defensor sa mga senador na kumokontra sa panukala na mapagkalooban ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para maikamada ang mga kinakailangang reporma sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon sa kongresista, malabo at tila nalilito umano ang ilang miyembro ng Senado kung ano ba talaga ang posisyon at pinaninindigan ng mga ito sa usaping bumabalot sa PhilHealth.

Inihayag ni Defensor na batay sa committee report na inilabas ng Senado kamakailan patungkol sa PhilHealth, hinimay ng mga senador ang mga paglabag sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM), IT bidding process, mga iregularidad ng Philhealth Legal sector at financial statements base sa obserbasyon ng COA.

Masusi at ilang beses aniyang inimbestigahan ng Senado ang mga isyung may kinalaman sa Philhealth kaya batid ng mga senador ang malalim na ugat ng problema sa tanggapan na kainakailangang aksyunan.

“In the portion of the actuarial life of their (Senate) committee report, they stated; ‘therefore, there is an extremely urgent need for an intensive and extensive review and inspection of the corporation’s financial life before it is, as we all will be, gone to the dogs.They say it’s extremely urgent and yet they deny the need for emergency powers for this to be accomplished,” pagbibigay-diin ni Defensor.

Iginiit ng House leader na kinakailangan ng emergency powers ni Pangulong Duterte para malaya itong makakilos sa pag-reorganisa at pagpapatupad ng reporma sa PhilHealth habang isinasagawa ang imbestigasyon sa tanggapan.

“For this purpose, the President may abolish or create offices; split, group, or merge positions, transfer functions, records and personnel in pursuit of an in depth investigation and in making the Philhealth more responsive and efficient. The hiring of personnel and/or companies for audit, actuarial, legal and financial purposes can also be undertaken without going through the cumbersome processes of government which may take a year before it can be effected,” paliwanag ni Defensor.

“The oversight function given to the Senate and House under the Universal Healthcare Law should be restated to ensure transparency in the actions to be undertaken by the Executive. Review can be done on a weekly basis to ensure effectiveness in the reforms and actions undertaken by the executive. Emergency powers are limited in time and not in perpetuity,” dagdag nito.

Nilinaw pa ni Defensor na wala pa mang pormal na naihahatag na panukala sa Kamara hinggil sa pagkakaloob ng emergency powers kay Pangulong Duterte para sa reporma ng PhilHealth ay binara na agad ng ilang senador ang ideya na animo’y may kopya na ang mga ito ng panukala.

“We are here to provide a healthcare system that our people deserve. The work we are doing is not only for us but for the future of our children. Hindi ito pagalingan o pataasan ng ihi,” pagtatapos ni Defensor.

Matatandaan na inilutang sa Kamara ang opsyon na mabigyan ng emergency powers si Pangulong Duterte para maplantsa ang mga gusot sa PhilHealth.

Pero tumutol dito ang ilang senador sa pangangatwiran na mayroon ng mga umiiral na batas at malawak na umano ang kapangyarihan ng Pangulo sa ilalim ng Saligang Batas kaya hindi na kailangan pa ng emergency powers upang lutasin ang mga problemang bumabalot sa PhilHealth.

Leave A Reply

Your email address will not be published.