Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dekalidad na Taguig Scholarship Program

0 716

Bilang bahagi ng month-long celebration ng 434th Founding Anniversary ng Taguig, isang programa na gusto nating ipagmalaki ay ang scholarship program ng Taguig na nagkakaloob ng dekalidad na edukasyon para sa ating mga kababayan.

Alam niyo ba na lahat ng mag-aaral sa public schools sa Taguig na nakakagraduate ay nakakatanggap ng P15,000? Alam niyo rin ba na umaabot na ng P40,000 hanggang P100,000 ang ipinagkakaloob na scholarship sa Taguig?

Kinikilala ang lungsod ng Taguig bilang isang Education City dahil sa maipagmamalaki nitong kalidad, inclusive at accessible na edukasyon sa mga public schools at paggabay sa mahuhusay na scholars, graduates at professionals sa iba’t ibang industriya.

Suportado at pinapangalagaan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang kapakanan ng mga kabataang mag-aaral at maging ang mga gusto pang palawakin ang kanilang kaalaman anuman ang kanilang edad.

Ang Taguig ay isa sa mga lungsod sa buong bansa na may pinakakomprehensibong scholarship program. Naglaan ang lokal na pamahalaan ng P725 million at karagdagang P2 billion sa Special Education Fund nito para sa edukasyon at scholarship programs ng lungsod.

Ang edukasyon ang pinakamahalagang investment tungo sa magandang kinabukasan ng mga Taguigeños at tulay sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.

Sa pag-aaral sa kolehiyo, ang lokal na pamahalaan ay may Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship na nagbibigay ng financial assistance para sa technical vocational courses, ladderized courses, college degrees, medicine, law, board o bar review at masteral at doctoral degrees.

Pinapalawak ng lokal na pamahalaan ang oportunidad ng mga Taguigeños para magkatrabaho. Sa halos 57,000 scholars na naabutan ng tulong ng lungsod, 13,000 ang nakagraduate, 8,071 ang degree holders, 2,691 ang licensed professionals at 34 ang Top 10 board placers.

Sa ilalim naman ng Taguig Learner’s Certificate (TLC) Scholarship Program ay binibigyang kalayaan at ginagabayan ang ating mga mag-aaral sa high school na lumipat ng paaralan kung saan nila nais mag-enroll, public school man o sa mga partner-private schools ng Taguig. Ang nasabing programa ay mayroon nang 11,500 scholars at layunin nitong i-decongest ang public classrooms sa lungsod.

SM food to go Banner Ad

Bukod pa rito, 100% na libre ang edukasyon ng lahat ng 6,000 college students ng Taguig City University (TCU) na lokal na unibersidad ng Taguig at may kasama pang libreng allowance. Mayroon ding allowance na ipinagkakaloob para sa 2,500 science high school scholars kada taon at 4,500 scholars sa ilalim ng scholarship programs ng lungsod.

Taun-taon ay may distribusyon din ng school supplies, ready-to-wear uniforms at libro, pagtatayo ng mas marami pang silid-aralan at maigting na pakikipagugnayan sa private schools upang mas pagandahin pa ang kalidad ng pagtuturo sa mga public schools sa lungsod.

Dahil prayoridad ng lokal na pamahalaan ang edukasyon, naipamamalas ng Taguigeños ang kanilang galing sa maraming industriya. 10% ng Taguig scholars ay kasalukuyang nag-aaral sa top public at private universities tulad ng UP, Ateneo, La Salle, UST, Adamson, MAPUA at San Beda. 71% naman ng Taguig scholars ay nag-aaral sa State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs).

Nang sumailalim sa Enhanced Community Quarantine ang NCR, nag-abot ng P5,000 Emergency Assistance to Scholars (SEAS) ang lungsod bilang tulong sa halos 25,000 scholars nito at sa kanilang mga pamilya. Tuloy-tuloy din ang pamimigay ng allowances para sa 20,000 scholars sa kolehiyo, halos 10,000 scholars sa dalawang science high schools, halos 7,000 scholars sa TCU at 52 partner private schools ng lungsod.

Hindi nagbago ang prayoridad ng Taguig sa edukasyon kahit sa gitna ng pandemya. Lumikha ang lokal na pamahalaan ng karagdanag scholarships upang ipagpatuloy ang edukasyon at paggabay sa mga mag-aaral, guro at magulang sa online at blended learning system na umiiral ngayon.

Magbibigay ang lungsod ng allowance sa mga Taguig youth athletes o varsity players sa colleges, universities at select public high schools at incentives sa mga medal finishers at iba pang mag-aaral na nakatanggap ng gantimpala. Mayroon ding full scholarship para sa mga nag-aaral ng medicine, engineering at iba pang kurso na may return service agreement sa lungsod.

Higit pa dito, may scholarship program para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan na nais mag-aral sa ibang bansa o graduate studies at scholarship grant maging sa kanilang dependents.

Ang edukasyon sa Taguig ay may pagmamahal, galing at tumutugon sa pangangailangan ng mga mamayan.

Buo ang ating suporta sa mga kababayan nating nagsusumikap na magkaroon ng magandang kinabukasan at tayo ay naniniwalang edukasyon ang magbubukas ng pinto tungo sa katuparan ng kanilang mga pangarap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.