Abante Tonite Interactive

Deklara ng mga netizen, San Miguel Beer pinakaastig

564

Limang sunod na kampeonato sa PBA Philippine Cup ng San Miguel Beer, sementado na ang dynasty.

Itinakas ng Beermen ang pahirapang 72-71 panalo kontra Magnolia Pambansang Manok sa Game 7 na nagkatalo sa final second Miyerkoles nang gabi sa Smart A­raneta Coliseum.

“Probably the greates­t all-Filipino team in history,” ani Mighty Sports coach Charles Tiu. “What a dynasty, 5 in a row.”

Hindi nakalimutan ni Tiu ang gallant stand ng Hotshots: “Tip your hats off to Magnolia who battled them so hard.”

Walang nag-akala na isasagad nina Mark Barroca, Paul Lee, Jio Jalalon, Ian Sangalang at Rafi Reavis ang po-werhouse team nina Alex Cabagnot, Chris Ross, Marcio Lassiter, Arwind Santos at June Mar Fajardo, may Terrence Romeo at Christian Standhardinger pa.

Sa limang tinuhog na all-Pinoy crown, ito marahil ang pinakamahirap sa Beermen. Noong isang taon, na-ngailangan lang sila ng limang laro para ipagpag ang parehong team ng Hotshots.

Players, politiko, fans ng magkabila, bumaha ang pagbati sa laro, sa series at sa magkaribal.

Si Bobby Ray Parks na papasok na rin sa PBA sa Commissioner’s Cup, napahanga ng winner-take-all: “Crazy game.”

Tinawag ni @bluesurferNeo ang Beermen na “basketball immortals” ng Pilipinas.

Isang obvious fan ang tumawag kay Fajar-do ng “The myth, the legend, the GOAT, the MVP.”

Nangibabaw ang “Fear the Beer” at “Congrats SMB.”

Si Joe Devance, nagpaabot din: “That was a great game. Credit to Magnolia for pushing the champs to the limit.”

“The greatest team in PBA history” raw ang San Miguel, ayon sa fan-made site nilang @FearTheBeerSMB.

Si Reavis na buong series nagpahirap kay Fajardo, tinanggap ang talo at may pagbati rin pero nangakong babalik: “If that’s what it’s going to take to take us down then so be it. I’m proud of all my brothers! Congratulations to SMB. Thanks to all of our die hard Magnolia fans for your support! We’ll be back that’s for sure.”

Sinuma ni @pa-radribble ang laro ng champions: “Another legendary Game Seven by SMB. Worst first half ever, battled back from 17 down, won with fantastic defense.”(Vladi Eduarte)