Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Del Carmen wow sa draft combine

0 279

Pinamunuan ni 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2019 MVP Monique del Carmen ang 54 aspirante na nagpamalas ng kanilang husay sa ikalawa at huling araw ng 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Draft Combine 2020 nitong Linggo sa Victoria Sports Tower sa Quezon City.

Nakasama ni Del Carmen na mula sa National University Lady Bulldogs sina Monique del Carmen ng Gilas Women at dating University of the Philippines standout Fille Claudine Cainglet, kapatid ng volleyball player na si Fille Saint Merced Cainglet-Cayetano, sa mga dumalo.

Pagkakataon ng mga nasa puwestong guard na ipakita ang kanilang husay maghapon ng Linggo sa pagsailalim sa agility tests, at biometrics na inaasahang sasandigan sa pagpili sa mga manlalaro patungo sa draft ngayong buwan.

Umabot sa 115 players ang nagpartisipa sa dalawang araw na aktibidad. Nasa 71 ang mga sumipot nitong Sabado. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.