Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Del Monte Avenue ipapangalan kay `Da King’

0 60

Nagpasalamat si Senadora Grace sa kanyang mga kapwa senador dahil sa pagsuporta sa isang panukakala na naglalagyong ipangalan ang isang kalsada sa kanyang yumanong amang si Fernando Poe Jr. na namatay noong 2004.

Sa Senate Bill No. 1822 na inihain ni Senador Lito Lapid, layon nito na ipangalan ang Del Monte Avenue sa Quezon City bilang Fernando Poe Jr. Avenue.

Bago ini-refer ang panukala sa Committee on Public Works, karamihan sa mga senador, sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III ang nagpahayag na maging co-author ng panukala.

“I know this is unorthodox, this is only a referral of the bills but I would like to sincerely thank our colleagues who expressed to be co-authors. I’m very touched. Thank you so much,” pahayag ng senadora.

“You’re most welcome,” sagot naman ni Sotto, na matalik na kaibigan ng yumaong batikang aktor.

Si FPJ o “Da King” na icon ng movie industry at isang national artist ay may kumpanyang matatagpuan sa kahabaan ng Del Monte Avenue. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.