Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Del Rosario 3rd sa Arkansas

0 175

Kumakasang tumersera ang ‘binyagang’ si Pauline del Rosario sa kapapalo lang na 3rd Women’s All-Pro Tour 2021, 4th leg $39K Mountain Ranch Championship sa Mountain Ranch Golf Club sa Fairfield Bay, Arkansas.

Tumirada ang 22-year Pinay at may pito ng titulo sapul nang mag-pro noong 2017, ng mga linyang 71-71-70 (212) para tablahan si England amateur shotmaker Lily May Humphreys at kubrahin ang $2,900 (P139K) sa unang torneo niya sa WAPT.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagposte naman si Fernanda Lira Solis ng Mexico ng 69-66-73=208 ($8K) para sa three strokes victory kay hometown bet Dorsey Addicks (72-68-71=211, $3,750). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.