Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Del Rosario 4th, may P145K

0 65

Bumitaw ng one-under par 71 para sa four-day total 284 si Pauline del Rosario sa kumakasang pagtabla sa ikaapat na puwesto kay Sofia Garcia ng Paraguay at pag-uwi ng $3,050 (P145K) sa wakas ng 3rd Women’s All-Pro Tour 2021, 6th leg $49K (P2.3M) Oscar Williams Classic sa Hurricane Creek Country Club sa Anna, Texas nitong Sabado.

Pitong palo ang agwat sa Philippine shotmaker nang nagkampeong si Australian Kim Gray na may 73-277, pero walang cash prize dahil amateur pa lang.

Hindi nasundan ni Del Rosario ang unang titulo niya sa WLN Central Arkansas Open nitong May 12-14 sa Conway, Arkansas na rito’y napremyuhan siya ng $8K.

Dumistansiya ng two strokes ang pumangalawa kay Gray na si Emma Broze ng France na naka-67-279 at kinabig ang $9,500, kabuntot si Olivia Mehaffey ng Northern Ireland na may 70-281 at kumita ng $4,500. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.