Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Del Rosario 70 unang tirada

0 107

Nagposte ng apat na birdie sa limang par-5 para sa mainit-init na two-under par 70 (35-35) si Pauline Del Rosario sa pagbubukas ng 3rd Women’s All-Pro Tour 2021 13th leg Delta Downs Invitational sa National Golf Club of Louisiana sa Westlake City Martes (Miyerkoles sa Manila).

Pumupuntirya ng pangalawang korona, iwan lang ang 22-anyos na Pinay shotmaker ng four shots sa pag-upo sa quadruple-tie sa fourth place laban kina co-leader hometown bets Kaitlyn Papp at Payton Schanen na may identical four-under 68, isang palo ang kalamangan kay American Jessica Porvasnik (69).

Pero ang isa pang Philippine at ICTSI bet na si Abegail ‘Abby’ Arevalo malamig ang simula sa 77 (41-36) upang malagay sa 31st place, nine strokes sa mga nasa tuktok.

Parte ito ng preparasyon nina Del Rosario at Arevalo para sa Ladies Professional Golf Association Tour/Symetra Tour Qualifying School Stage II sa parating na Oct. 21-24 sa Venice, Florida. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.