Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Del Rosario 8th, may P70K

0 135

Nagsalpak nang pinakamalamya niyang tira sa pang-apat na araw si Pauline del Rosario na one-over par 73 para sa six-under par 282 total na tama para sa solo eight place na may $1,400 (P70K) sa kahahampas na 3rd Women’s All-Pro Tour 2021 11th leg $37K (P1.8M) Babe Zaharias Open sa Beaumont Country Club sa Beaumont, Texas.

Ang isa pang pambato ng ‘Pinas na si Abegail Arevalo nag-even par 72-286 upang akbayan sa 12th spot si home bet Alice Duan at tumanggap ng tig-$1,042 (P52K) bawat isa sa 67-player, 72-hole stroke play golfest.

SM food to go Banner Ad

Papalo ang ika-12 yugto na $35K (P1.7M) Houma Golf Classic sa Ellendale Country club sa Houma, Los Angeles sa darating na Setyembre 15-17. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.