Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Del Rosario 9th sa 1st round

0 116

Humampas si Pauline del Rosario ng desenteng one-under par 71 para sumalo sa five-way tie sa ninth spot sa pagsiklab ng 3rd Women’s All-Pro Tour 2021 8th leg $50K Bella Vista Classic sa BV Village Country Club sa Arkansas Miyerkoles (Huwebes sa Maynila).

Pero naiwan ang 22 taong-gulang na Pinay shotmaker kay solo leader home bet Jessica Porvasnik na humagod ng six-under par 66 para sa isang palong kalamangan kay Canadian Hannah Hellyer na naka-67. Sumusunod ang dalawa pang Kana na sina Ginger Howard at Gabriella Then na may identical 68s.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Asam sa ikatlong pagkakataon sa anim na linggo ni Del Rosario na mapasakamay ang ikalawang titulo sa WAPT makaarang magreyna sa WLN Central Arkansas Open noong May 12-14. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.