Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Del Rosario aariba sa Cavite

0 78

Kasado na para sa Ladies Philippine Golf Tour tournament si Pauline Del Rosario, magpapasiklab sa ICTSI Eagle Ridge Challenge sa Martes sa Aoki course sa Gen. Trias, Cavite.

Tengga ng ilang buwan, pero pinanatili naman niya ang kondisyon sa pamamagitan ng regular workout at drill dagdag pa ang paghampas nito ng isa-dalawang round para sa muscle memory at bihasa sa distansya.

“My focus is to always play my best,” sambit Huwebes ng unang Pinay na nagwagi sa LPGA Tour Taiwan.

“To get ready (sa competition), I’m sticking to my program – working out, drills and rounds.”

Pinunto pa ng golfer, “No expectations since everyone in the field is capable of playing good golf.”

Namayagpag noong Disyembre si Del Rosario sa ICTSI Riviera Championship sa Silang, Cavite nang mapataob si Princess Mary Superal, na nagpahayag naman nang pagresbak. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.