Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Del Rosario, Arevalo hahampas sa Venice

0 192

Magiging pambato ng ‘Pinas sina Pauline del Rosario at Abegail ‘Aby’ Arevalo sa 2021 Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour and Symetra Tour Qualifying Tournament Stage II sa parating na Oct. 21-24 sa Venice ,Florida.

Pinakabagong nag-qualified ang 22-anyos na dalagang shotmaker na si Arevalo makaraang pumang-33 sa 334 nagrambol sa 2021 LPGA Tour and Symetra Tour Qualifying Tournament Stage 1 sa Dinah Shore Course ng Mission Hills Country Club sa Rancho Mirage, California nitong Aug. 19-22 (20-23 sa Manila).

SM food to go Banner Ad

Naunang umabante si Del Rosario, 22 taong-gulang din, sa pagsegunda sa third-tier 3rd Women’s All-Pro Tour 2021 Player of the Year race sa pangalawang linggo ng buwang kasalukuyan.

Ang mga tigasin sa Stage 2 ang mga papalaot sa Qualifying-Series, isang matira-matibay na eight-round, two-week tournament sa Alabama sa November -December. Nakataya rito ang 45 Category 14 LPGA tour cards sa best finishers. Ang iba ay sa second-tier Symetra Tour. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.