Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Del Rosario balik sa WAPT

0 54

Balik-aksiyon si Pauline Del Rosario sa 3rd Women’s All-Pro Tour 2021 13th leg $30K (P1.5M) Delta Downs Invitational sa National Golf Club of Louisiana sa Westlake City, Louisiana sa Sept. 21-23.

Isang buwan at tatlong linggong namahinga ang 22 taong-gulang na Pinay shotmaker na itinataguyod ng ICTSI sa mga kampanya sa United States.

Huling sumabak si Del Rosario sa WAPT 11th leg $37K (P1.8M) Babe Zaharias Open sa Beaumont City, Texas noong July 27-30 kung saan pumangwalo siya.

Ito na ang pangsiyam niyang laro sa WAPT bilang paghahanda sa 2021 Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour and Symetra Tour Qualifying Tournament Stage II sa parating na Oct. 21-24 sa Venice Town ,Florida. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.