Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Del Rosario nagreyna

0 181

Umalpas si Pauline del Rosario sa matensyong, inulang laban kay Princess Mary Superal sa pagsalpak ng par sa 17th habang bogey ang huli para sa one-stroke win at kopoin ang korona sa ICTSI Riviera Championship sa Silang, Cavite nitong Huwebes.

SM food to go Banner Ad

Tabla ang dalawa patungo sa Langer course signature hole kung saan tinapos ni Del Rosario ang third & final round sa 72 para sa 215 total upang iuwi ang P72K purse. May 216 aggregate at P52K si Superal sa two-tournament ng Ladies Philippine Golf Tour na pinerwisyo ng pandemya.

“I didn’t think about the scores the whole round. I really just focused on playing my own game, given the strong rain which affected my club selections,” suma ni Del Rosario, 22, na inawat din ang pag-sweep ng karibal na kumopo ng ICTSI Riviera Invitational Challenge sa kalapit na Couples nitong November. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.