Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Del Rosario sampa sa finals

0 10

Bumawi sa third round sa likod ng five-under par 67 para sa 213 total si Pauline del Rosario upang pumasok sa finals sa pagsalo sa apat sa ikawalong puwesto sa penultimate playdate ng 3rd Women’s All-Pro Tour 2021, 6th leg $49K (P2.3M) Oscar Williams Classic sa Hurricane Creek Country Club sa Anna, Texas Huwebes (Biyernes sa ‘Pinas).

Nasa four-way tie sa fourth spot siya sa opener sa 70 bago nalaglag sa anim na nasa ika-27 posisyon sa 76 (146), pero pa-last round siyam na palo pa rin ang hahabulin sa three-day leader Australian amateur Kim Gray na may 68-204.

SM food to go Banner Ad

Mula sa dalawa, lumayo pa sa anim na palo ang bentahe ni Kim kay hometown bet Gabriella Then (71-210) sa pamumuno nila sa 45 finalists sa 94-starter. Nasa 46 ang mga na-cut at tatlo ang nag-withdraw sa torneo. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.