Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Del Rosario sumegunda

0 52

Nabigo si Pauline Del Rosario sa korona sa pasabog na career-best frontnine (28) ni American rival Jessica Porvasnik sa respetado pa ring sinalpak na closing 69 para sa joint second na may $2,250 (P115K) each sa wakas ng National Women’s Golf Association Parris Island Women’s Championship sa The Legends of Parris Island sa South Carolina Martes (Miyerkoles sa Manila).

Kasama ang 71-68, may 208 total ang 22-anyos na dalagang Pinay shotmaker na suportado ng ICTSI, pitong shot ang layo kay Porvasnik na may 62-201 at kinubra ang $10K (P510K) 54-hole stroke play, three-day golfest.

Related Posts

May 69-208 din ang Kanang si Allisen Corpuz na katabla ni Del Rosario sa torneong sinabakan ng 32 player mula sa,limang bansa.

Magkikitang muli ang sina Del Rosario at Porvasnik sa Ladies Professional Golf Association Tour/Symetra Tour Qualifying School Stage II sa Oct. 21-24 sa Venice, Florida. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.