Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Del Rosario sumosyo sa liderato

0 83

Nagbaon si Pauline Del Rosario ng four-under par 68 (35-37) upang ikumpas ang quadruple-tie sa tuktok sa National Womens Golf Association Parris Island Women’s Championship sa The Legends of Parris Island sa South Carolina Lunes (Martes sa Manila).

Kasama ang 71 sa opening, may five-under par 139 total ang 22-anyos na Pinay golfer para umakbay kina Americans Jessica Porvasnik (69), Lucia Polo (72) at amateur Allisen Corpuz (69) sa 54-hole stroke play, three-day event.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Abante sila ng one shot kay Amelia Garvey ng New Zealand na may 168-140 sa torneong nagsisilbing paghahanda ni Del Rosario para sa Ladies Professional Golf Association Qualifying School Stage II sa Venice, Florida sa Oct. 21-24.

Sasabak din doon ang isa pang pambato ng ‘Pinas at kakuwadra ni Del Rosario sa ICTSI na si Abegail ‘Abby’ Arevalo. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.