Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dela Cruz, Archers papanain Bulldogs

0 30

Mga laro ngayon, Martes (SM Mall of Asia Arena)
10:00 n.u. – UST vs UP
12:00 n.t. – FEU vs UE
4:00 n.h. – DLSU vs NU
6:00 n.g. – AdU vs ADMU

STANDING
TEAM W L
UST 2 0
NU 2 0
DLSU 2 0
UP 2 0
FEU 0 2
ADMU 0 2
UE 0 2
AdU 0 2

Asahan ang matinding hampasan nina Jolina Dela Cruz at Princess Robles sa ratratang La Salle Lady Spikers at NU Lady Bulldogs sa 84th University Athletic Association of the Philippines 2022 women’s volleyball tournament elims ngayong Martes sa SM Mall of Asia Arena.

SM food to go Banner Ad

Asinta ng DLSU (2-0) at NU (2-0) ang third straight win sa alas-4:00 ng hapong salpukan, isa sa apat sa abalang schedule ng eight-school league.

Umiskor ng tig-12 sina Dela Cruz at Allejah Malaluan nang tudlain ng Taft-based volleybelles ang second straight win kontra Adamson Lady Falcons via straight sets.

May 18 points each naman sina returning Robles at rookie Bella Belen nang gulantangin ng mga balibolista ng Bustillos ang Ateneo Blue Eagles sa apat na set. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.