Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dela Cruz, Roxas humarabas

0 86

Sa pasiklab ni Levi Dela Cruz, sinawata ng Roxas City ang Kapatagan via 90-72 decision sa Chooks-to-Go Pilipinas 1st VisMin Super Cup 2021 Mindanao Challenge Biyernes ng gabi sa Pagadian City Gymnasium.

Mula sa bench at higit 12 minuto lang na sabak, kumayod ng 17 points sa 5-of-6 shooting sa labas ng arc si Dela Cruz para tanghaling best player of the game at ipasolo sa Vanguards ang liderato sa 5-3 win-loss slate.

Bitin naman ang 15 puntos ni Mark Daanoy sa Buffalo Braves na nalagot ang apat na ragasa para bumagsak sa segunda kasalo ang Zamboanga Sibugay at GlobalPort ZValientes MisOr sa identical 4-3. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.