Abante Tonite Interactive

Dela Santos, Tsukii binatikos si Lim

257

Mahigit isang linggo na lang bago sumagupa ang mga national karateka sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa parating na Nobyembre 30-Disyembre 11.

Pero sumiklab pa ang gusot sa Karate Pilipinas Sport Federation, Inc. na pinamumunuan ni Richard Lim bilang pangulo.

Nagreklamo si 11-year national team member at 2017 Malaysia SEA Games men’s kata ­individual bronze medalist Orencio James delos Santos ­Miyerkoles sa kanyang FB account, sa ‘di niya pagkakasama sa national team para sa taong itong SEAG, habang nagsabi si Junna Tsukii na huwag silang takuting mga atleta.

Pero giniit ni Lim na walang politika sa liderato niya at sa mga karatista dahil ang pagkatanggal ni Delos Santos ay sa kawalang naipanalong laban nito sa limang qualifying tournament para sa SEAG, ­habang wala namanng panakot aniya sa panig ni Tsukii.