Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delerio, Tigresses pinahaba ratsada

0 74

PAKITANG-GILAS si Janel Delerio upang tulungan ang University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses na sakmalin ang four-game winning streak matapos kalusin ang University of the Philippines (UP) Lady Maroons 25-20, 18-25, 26-24, 25-23 sa UAAP Season 84 Women’s Volleyball Tournament sa third game kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kumana si Delerio ng 23 excellent receptions at apat na digs upang ilista ng Golden Tigresses ang 7-2 karta.

Ipinakita agad ng Golden Tigresses ang kanilang bangis sa unang set nang sakmalin nila ang 25-20 panalo.

SM food to go Banner Ad

Subalit bumawi ang Lady Maroons upang makuha ang panalo sa second set at ilista ang 1-1 iskor.

Muling ipinakita ng Espana-based squad UST ang tikas sa set 3 at nakuha ulit nila ang panalo at makalamang ng 2-1 papasok ng fourth set.

Samantala, sunod na laban ng UST ay ang defending champion Ateneo Blue Eagles sa Martes sa alas-10 ng umaga. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.