Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Delgaco abante sa World rowing finals

0 39

Umabot na sa lima ang event na sasabakan ng mga pambato ng Philippine Rowing Association (PRA) sa virtual 31st World Rowing Indoor Championships 2021 Finals sa darating na February 23-27 sa pagpasok pa ng lima na pinangunahan ni PH 2019 Southeast Asian Games gold medalist Joanie Delgaco.

Nag-qualify siya kasangga si Mireille Qua sa Under 23 Women 500 meters sa kasasagwang Open Qualification Pathway. Gayundin sina Alyssa Go at Kyra Louise Sandejas sa U23 Lightweight Women 500m, at Joachim de Jesus sa U23 Lightweight Men 500m.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pumalaot naman sa finals sina 2019 SEA Games gold winner Melcah Jen Caballero sa Lightweight Women 500 at Wylene Lu sa U23 Lightweight Women 500 via January 24 Asian Continental QualificationEvent. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.