Abante Tonite Interactive

Delgado gold sa Asian rowing

235

Nagladlad ng kanilang kakayahan ang mga bagong miyembro ng Phi-lippine Rowing Team nang magwagi ng anim na medalya, tampok ang 1 gold ni Joanie Delgado sa katatapos ng 2019 Southeast Asia Junior and Senior Rowing Championships sa Pattaya, Thailand.

Ang pagsali sa sagwanan ay bilang paghahanda ng Nationals para sa 30th Southeast Asian Games sa bansa sa Luzon sa parating nma Nobyembre 30 Disyembre 11.

Nagkampeon si Delgado sa Lightweight Women’s Single Sculls (LW1x) habang ang tatlong nag-silver ay sina Criz Nievarez sa Lightweight Men’s Single Sculls (LM1x), ang pareha nina Delgaco at Melcah Jen Caballero sa Lightweight Women’s Double Sculls (LW2x), at ang quartet nina Zuriel Sumintac, Roque Abala, Nestor Cordova at Edgar Ilas sa Men’s Four (M4). (Lito Oredo)